Nawawalan ka na ba ng gana mag Stock Market??

Nawawalan ka na ba ng gana magStock market dahil mahina at puro bagsak ang stock, walang mga play dahil weak volume at bearish bias? This scenario happens yearly, as in taon taon po. May time na nataas ang mga stock, lahat masaya, kahit anong bilhin tumataas. Kahit newbie ka pa lahat ng bilhin mong stock nalipad, newbie to newbie advice is all right. Tapos makikita nyo mga post na,

“Bull run kaya lahat genius”
“Lalabas na naman mga genius”

Yearly din po yan sinasabi na tila ba ayaw ka nilang maging masaya. They cant be happy for winners, but celebrating in your loss, typical toxic mentality. Sa lahat ng bagay may alam sabihin, meron palaging puna, nakakainis mga ganyan tao ano…

Pero natuto na akong balewalain mga ganyan, lahat ng hindi makakatulong sa well being mo, learn to ignore them. Do not tolerate anyone to put negative energy in your life.

“Stop being jealous of people in their winning season.
You don’t know what they lost in their losing season.”


Going back to the market, this cycle is the losing season, after tumaas ng ilan buwan bigyan din natin sya ng time para magpahinga, magcorrect. Eto din yun time ng mga active trader para magpahinga, sa iba para magaral esp mga bago pa lang sa market. We should never force a trade for the sake of nakapag trade ka lang, ang tawag dyan is Itchy fingers and this is the manifestation of gambling behavior.

Napapansin ko din, pag mahina umaayaw na at nawawala, pero pag nagbull run nabalik bigla. The things is dapat pag mahina we take that opportunity to study more, diligently. Para pag magsimula ng lumakas ang market marunong ka na, puro execution naman ang gagawin mo. Diba magandang technique yun… Minsan nabasa ko ito sa isang trader,

“Nung virtual trading palang ako, balak ko na magresign.
Nung nasa real portfolio na ako, okay din naman pala ang employed.”


Pag bull run din marami ang nagiisip magresign sa trabaho. Now you will see the reality na hindi laging malakas ang market. Na meron malaking difference ang virtual trading and trading real portfolio, real money, real emotions… Magisip ng tama, wag yun naranasan mo lang manalo ng 5 trades naiisip mo ng magresign. Be responsible plss…

Sinulat ko ito para makita nyo ang 2 sides of the market, in simplest form of words that I can give to you. Hindi lang ng market pati na rin ang mga tao sa loob, stock trader. Malungkot at ayawan na pag weak market at masaya naman at feeling gusto na magresign pag bull run.

This is all emotion, and if we will only understand that stock market cannot be won by your emotional highs and lows. But by learning how to be the master of yourself, learn how to manage and handle your emotions.

Move with Strategy, not with your Emotion.
No one can master the market, but you can master yourself.


Written By
More from Guillen Rocher

NEWBIE GUIDE 002- How to Read the Stock Quotes

Our next guide is, How to read the Stock quotes or those...
Read More

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *