OFW STORY- A Mother’s Love…

Hindi ko ito kwento. Kwento ito ng isang ofw na malapit sa akin. Hindi ako nagpaalam sa kanya na isusulat ko ito. Pero sa tingin ko maraming ofw ang makakarelate sa kwento nya. Matagal na syang nagttrabaho sa ibang bansa, at sa iisang dahilan… Para sa kanyang Anak. Sabi nya sakin dati, ni minsan hindi nya daw pinangarap mag abroad, may trabaho sya sa Pinas at nakakaraos naman sila. Tinanong ko sya, “Ano yun dahilan kung bakit ka nagabroad?”

“Iniwan ako ng matagal kong kasintahan, wala daw kasi akong pangarap. Nakukuntento na lang sa buhay na simple sa Pilipinas, yun nakakaraos. Nagaabroad sya, ako hindi. At nang huling uwi nya, bigla na lang sya nagpakasal sa iba, dun sa nagka Canada.

This image has an empty alt attribute; its file name is images-5-2.jpeg

Akala ko kami ikakasal, pero sa iba pala sya ikakasal. Sa sobrang lungkot nagdesisyon ako na tapusin ang buhay ko. Uminom ako ng gas, hindi ko kinaya yun sobrang sakit at lungkot. Pero ng magising ako, nasa PGH na ako at nandun ang buong pamilya ko. Umiiyak sila at narinig kong sinabi nila “Mas mahal mo ba sya kaysa sa amin na pamilya mo??? Mas pinili mo sya, kaysa sa amin na kasama mo mula ng pinanganak ka…” Sa huli pinatawad nila ako at naintindihan, tinulungan para makabangon ulit.

Nag abroad ako papuntang Hongkong,

This image has an empty alt attribute; its file name is Screen-Shot-2019-04-03-at-13.40.25.jpg

Hindi ako sanay magtrabaho bilang kasambahay pero sabi ko mula ngayon mangangarap ako para sa anak ko. Hongkong- Romania- Ukraine, at lumipas ang mahabang panahon. Eto na yun hinihintay ko.

Sa wakas ggraduate na yun anak ko sa college, sa kursong Education. Kahit magisa akong nagtaguyod sa kanya, kinaya ko yun... Pero sa tutuo lang, wala akong ipon, lahat ng yun pinapadala ko. Mahal din kasi magpaaral ng kolehiyo. At ggraduate na sya ngayon April. Gustong gusto kong umuwi, pero napanghihinaan ako ng loob… Pumapasok sa isip ko yun sasabihin ng ibang tao, pero tuwing iniisip ko na hindi ko siya makikitang ggraduate, na wala ako sa araw na iyon para kasama nyang magmartsa, para akong mamamatay… Lumaki na syang halos hindi ako kasama pati ba naman ito mapapalagpas ko pa…

Sobrang bigat ng puso ko…”

Tinawagan ako kanina ng kaibigan ko para humingi ng payo, sobrang nalulungkot daw sya. Sabi ko sa kanya, kaysa sa nagttrabaho ka at dala dala mo yan ganyan sa loob mo, umuwi ka na muna… “Pero sis, natatakot ako, alam ko may sasabihin ang ibang tao sa akin. Mawawalan na ako ng trabaho, at hindi ko alam kung makakabalik pa ako dito.”  Ang trabaho marami yan basta masipag ka at kaya ng katawan mo. Pero yun college graduation nya isa lang sa buong buhay nya. Kung gusto mo pagaralin mo ulit para may isa pang graduation. At kung ganyan ka dito na naddepressed mas mabuti na uwian mo sila. Mas mabuti siguro na humingi ka ng payo sa pamilya mo.

Tumawag ulit sya sakin para sabihin na nakausap na ang kapatid nya sa Pinas, ang sabi daw sa kanya.

This image has an empty alt attribute; its file name is unknown-mother-daughter-quote-4-1525298816.jpg

Kahit mawalan ka ng trabaho at magipit nandito naman kami. Wag mo isipin na wala kang naipon, wag mo isipin yun sasabihin ng iba. Dahil yun mapatapos at mapalaki mo yun anak mo ay higit pa sa ipon...

Sa ngayon sigurado na sya sa gagawin nya, hindi natin hawak ang bukas pero dapat natin tatagan ang ating loob at lumapit sa mga kaibigan, pamilya, para humingi ng payo, lalo na kung nahihirapan at nabibigatan ang loob. Sinulat ko ito, kasi masaya ako para sa kanya. Minsan sabi ng anak nya sa message, “Nay, ako naman. Excited na ba ang nanay ko na yumaman. Papayamanin ko kayo…” Naiyak sya nun time na sinend yun ng anak nya. Simpleng mensahe pero may kurot sa puso.

Sinend nya sakin ang message na ito at naipost ko pa dati sa FB Page ng The Empress.

She made it… She deserves to be there and march with her daughter, it’s her pride… Hindi ko alam kung anong mensahe ang magandang iwan ko sayo. Isa lng alam ko, salamat sa panahon na nakilala kita at nakasama dito sa abroad. Hindi ko yun makakalimutan. You deserve to be happy. God bless you more… I love you Sis

Written By
More from Guillen Rocher

NEWBIE GUIDE 001- What Stock Should I Buy?

Newbie ka ba? Are you clueless on what stock do you need...
Read More

1 Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *