Saturday Real Talk- (basahin mo kung kaya mo..)

Buti pa yun iba naka 3-5 mistakes lang daw sa stock trading. Ako ata umabot ng 100 wahaha 😂😂😂. Ako lng ba yun, really??? Alam nyo po kahit marunong ka na, hindi yun guarantee na hindi ka na magkakamali ulit and that is a FACT… Please, dont think that stock trading is easy, na may nakita lang kayo na nagprofit is ganun na lang yun kadali at mangyayari agad sa inyo (wtf). If this is easy then everybody will do it, but it is not.

Hindi nyo napapansin na yun ibang kilala nyo dati na trader at hinahangaan nyo, bigla nawawala tapos bigla bumabalik parang multo bumibisita hahaha 😂😂😂. Stock trading and stock market is not a trend na nauuso at nalalaos tulad ng idolo mo. Hindi ito yun mere feelings mo, na kapag masaya ka magsstock ka at kapag malungkot ka na ay ayawan na (wtf).

Meron naman iba na kahit hindi nagttrade sige lang ang payo sa mga nagttrade, na nadadala ng lungkot at need daw kuno ng motivation. For real, okay lng kayo? Kasi insulto yun sa mga tunay na trader, wag mo kami payuhan if hindi ka naman trader, if hindi ka nakikishare sa real high and lows namin dito, at observer ka lang dyan sa gilid, naghihintay ng trader na down na down at need ng motivation (iniinis mo ako eh 😅😅). Hindi ito nadadala ng advice and motivation lang, kaya sinasabihan tayo ni Mel Robbins na Motivation is Garbage dahil sa pagaabuso nyo dito.

Yun iba naman dyan haaa, sige ang hanga sa mga mahilig magedit ng port. Tapos gusto nyo magtrading eh ang dali nyo nga maniwala, funny walain kayo, tapos gusto nyo pa magtrade ha (wtf)… Tignan nyo din kaya volume ng stock. Ginagawa kayong big joke at tila gustong gusto nyo yun. Minsan sa sobrang paghanga nyo din, tulo na laway nyo sa pagnganga, isara mo yan… Ano ka ba, magagawa mo din yun… Ang point ko dito ayun sa nakita ko na sa mga panay ang hanga, tumigil na lang dun ang mundo nila, as FOLLOWER. Be a student not a follower, sabi ni lolo Jim Rohn yan… Work, Take actions, Execute, you can do it…

Editing portfolio is a shame and insult, bakit ako inis sa ganyan?? Kasi nabiktima nila ako dati, ang dali ko din sobra maniwala nun, funny walain din ako eh wahaha (wtf), thats why ganito ako magsalita… I can feel you besh, I feel for you 🤣🤣🤣

This image has an empty alt attribute; its file name is If-Editing-portfolio-is-valid-for-the-purpose-of-motivation...-Then-we-should-not-be-studying-TA_FA-rather-we-should-immaCulately-master-the-art-of-editing-and-storytelling.png

“If editing portfolio is valid for the purpose of motivation, then we should not be studying Technical analysis, Fundamentals or Market Psych. Rather, we should immaculately master the Art of editing portfolio.”– (Guillen)

Tama ako nagsabi nyan ha…. Diba, nakuha mo point ko?? Wag na tayo magaral, magtrade, edit edit na lang. Ayayay… Dati may umaway sakin kasi sabi nya ayos lang daw yun basta nakakamotivate. For real??? Yun ganun utak kamotehh… Dont me, naiinis ako sa ganyan magisip grrrr. Pero mahaba na pala pasensya ko ngayon, hindi na ako mabilis matrigger, gentle as dove na ako huehue 😁😁😁

Kasi ang panahon na ito ngayon, ay panahon na madaling maoffend ang tao (huwat..). Anyways wag natin pagusapan yan, sa haba ng sinabi ko sa sulat na ito baka may mga naoffend na ako. Hingi tayo sorry wahaha (wtf). Sorry na po kasi kagigising ko lang. Yun isa ko personality nagttantrums at feel magbunganga huhuhu ayaw paawat. (enough…)

Ngayon iniiisip ko, sa haba ng sinulat ko ano ang ibig ko sabihin, ano pinaglalaban ko??? Hayss, natatawa ako ngayon basta kasi natype ko lang ng isang upuan ito. Kung ano man pinaglalaban ko, kung ano man yun gusto kong sabihin, may mapulot ka man or wala. Basta nandyan yan at nakasulat, basahin mo ulit if hindi mo nagets. Baka nagtatago sayo, or baka nabulag ka na na maling kulto este paniniwala, kaya ayaw mong makita. At ngayon naiinis ka na kung bakit mo ba binasa ang blog na ito.

Pero salamat pa din sa oras, pampalubag loob ko sayo. Yan ang mga bagay na tutuo dito sa Stock Market world, eto ako direktang nagsasabi sayo, gusto mo man o hindi, REAL TALK lang beshy, Saturday is Real talk… hahaha ano ba yan…

Okay bye, araw ngayon para sa sarili, pahinga, at sabado nights.
Mahal mo pa din ba ako kahit nagbunganga ako ng ganito huehue.
Ako love pa rin kita kaya ko nga sinulat ito, bye mwahh… (ttyl)

Written By
More from Guillen Rocher

Study, Learn and Execute

This is all FREE… Study, Learn and Execute. Watch this guys and...
Read More

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *