NEWBIE GUIDE 001- What Stock Should I Buy?

Newbie ka ba? Are you clueless on what stock do you need to buy? Let me give you a friendly advice and guide on how you will do it inside the Market. Palagi ko kasing nababasa ang tanong na, “Newbie po, anong Stock ang magandang bilhin as Investment ?”.

Eto po ang tuwid  ko na sagot:

1. Kapag pumasok ka sa Stock Market una mo munang kilalanin kung ano ang mga Blue Chips. Eto yun 30 stocks na bumubuo ng PSE Index.. Sikat at malalaking company ang mga yan, research mo kung anong negosyo, anong meron behind that stock. Example, $JFC or Jollibee, $SMPH or SM Prime Holdings, these are Blue chips stock.

**Kindly see your Traders Empire Book page 27 for the list of Blue chips stocks.

2. Once you’re done with your research next thing to do is choose your stock. Pumili ka kung ano gusto at maganda ayon sa research mo. Walang bibili ng 10stock, kahit 5 wag din po. Hanggang 3 lang muna na stock ang maximum mo.. Hindi ka pa nga marunong, wag yun lahat ng stock gusto mo na bilhin. Hindi ka fund manager, you are an Individual investor.

5k to 10k capital is good for 1 stock
25k capital is good for 2 stocks
50k capital is good enough for 2-3 stocks

3. After that, tumingin ka sa chart para mabilis mo mabasa yun mga past movement of the stock according to its price action. Kung ayos ba ang pagangat ng stock, o walang tigil sa pagbagsak yun stock price nya. Kung itatanong mo kung ano ang chart, presyo yan at history ng stock movement sa loob ng stock market. Chart= Price Action.

You can use your own Charting tool in your Trading platform, meron po tayo lahat ng feautures na yan galing sa Broker natin. Pwede din na tumingin sa Charting tool of Investagrams and Arbitrage.

4. Kapag may napusuan ka ng Company at nakita mo sa chart ang price movement. Next is, wag ka muna bibili basta-basta. Lahat ng trader or investor dapat marunong tumingin ng Support and Resistance. Eto yun lugar kung saan nagmmeet ang Supply and Demand. Wag suntok sa buwan at bara barabay pagbili. Lahat ng stock meron lugar ng Support, Buying zone na tinatawag, dun ang bilihan.

5. Siya nga pala, Longterm ka ba, Midterm, PCA Peso Cost Averaging, what kind of Investor are you? What is your Investment Strategy?  Kung LT (long term) ka, guhitan at isulat mo lahat ng price support and price resistance. Tuwing may pera ka dun bilihan sa price support dun ka magiipon. Kung pataas na ang stock mo at wala na sa Buying zone dapat alam mo din na meron area or level of Resistance. Para kung gusto mo naman kumita pwede ka ng magbenta sa area na yan.

6. Kung ayaw mo magbenta, walang bibili muna sa taas, hintayin mo ulit sa buying zone mo dun ka magdadagdag. Eh paano naman kung di na bumaba? Tignan mo muna kung talagang gagawa at babasag na ng Resistance yun stock. Dahil kapag yun Resistance price ay binasag or nagbreakout, this is your new price Support.

Wag makigulo sa mga Trader if you are in a long term goal, maguguluhan lang kayo samin na in and out sa stock. Focus and stick to your Strategy. Observe the market. Wag magmadali na kumita, pinagaaralan ang mga bagay na ito.

This is never easy, but it’s not impossible to learn and gain profit in the Stock Market. Siguro kulang pa ang mga sinabi ko sa ngayon, pero yan na muna para madigest nyo po agad. If may tanong at hindi naintinidhan pakilagay lang po sa comment. Kindly share this Blog if a friend of you or someone you know need this information.

Keep Dedicated it won’t happen overnight. Till our next Newbie Guide.

Written By
More from Guillen Rocher

Traders’ Artworks

These are some of the artworks of  my co-traders in Traders Empire.  
Read More

1 Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *